
Naisip ko si Lady Gaga dahil kay Alejandro. Bagay ang salitang Gaga sa post na ito dahil ito ay pang-gago. Mabalik kay Alejandro. Sya, si Alejandro Abadilla, talaga ang una kong naisip dahil sa tula nya na ayon sa teacher ko noong high school ay nag-iwan ng malaking marka sa Panitikang Pilipino. Biglang dumaan si Ate Guard para i-on ang TV dito sa dorm lobby para makapanood ng evening news. Basahin nyo ang ikalawang pinakapaborito kong tula sa Pilipino, Ako ang Daigdig ni Alejandro Abadilla.
Parang tula ni Alejandro ang pag-iisip ko, hindi maintindihan ng mga ordinaryong tao. Kaya, ewan ko lang ha, malamang wala kang mapupulot dito. Sabi nga ni Lemony Snicket, author ng A Series of Unfortunate Events, "stop reading now."
Aba, napili mong magpatuloy. Magsimula na tayong mamaril.
Na-experience mo na ba to: May V.I.P. kang dapat/gustong samahan at lakad na dapat/gustong lakarin ng sabay. Hindi mo alam kung ano gagawin, kasi nga sabay. Pero actually alam mo. Hindi mo sisiputin parehas dahil merong isang mahalagang meeting na sumasabay rin na syempre kelangan mong puntahan kasi ikaw pa ang nag-plano nito. Sa tatlong dapat mon
Sorry. Napagod ako. Ipagpatuloy natin.
Sa tatlong dapat mong puntahan, yung meeting ang tingin mong pinakaimportante. Ang problema, henyo ka at hindi mo katulad mag-isip ang ibang mga nilalang. Ok naman yung isa, gogo raw sya sa meeting nyo. Ayos, dalawa na kayo. Tapos boom! Ang unang gaga ay nagparamdam. Hindi raw sya pwede kasi nga bobo sya. Pero seryoso, may project raw kasi sya. Bobo nga, kasi kailangan nya raw lahat ng oras sa mundo para magawa ang project. O, academics naman pala eh, importante yun! Pero ipunin mo lahat ng atraso nya sa grupo nyo, idagdag pa ang kulay utot na kutis nya, hindi ba mag-iinit ang dugo mo pag sinabi nyang hindi nya kayang maglaan ng napakaikling oras para sa isang meeting na tingin mo, ikaw na isang henyo, ay napakaimportante? Utot. Di ba nya napapansin na hindi lang sya ang may isa-sacrifice. Utot.
Ikalawang gaga naman. Sus, haha. Di ko na inasahan yon kahit nagsabi syang pupunta sya. Isip bata yun eh. Walang isang desisyon. Sabi nga nila, talo nya pa ang manananggal na may regla. Ako lang pala nagsabi non. Haha. Hahaha. Haha. Bad trip.
WTF? Bago ko ikwento ang tungkol sa ikatlong gaga, ang pinkamalupit sa tatlo, patanong. Bakit nandito sa dorm lobby namin itong pinsan ng unang gaga?! Kanina pa pitik ng pitik ng kamera, nasisilaw na ko. Sarap sipain.
Si ikatlong gaga. Matibay to! May doctrines and philosophies raw sya haha at naka-Ingles pa ng i-announce na hindi raw sya pupunta. Ever again. Bahala sya sa buhay nyang patapon. In fairness, sya lang ang nag-RSVP ng maaga. Tawa! Ever again ko mukha mo.
Here's the gist: lima kayo, tatlo don wala. Anong ginawa mo? Eh di cancelled ang meeting. At nag-sorry sa gogo sanang isa kasi pinaghintay mo sya. Pero sabi naman nya ok lang, may smiling emoticon pa nga. (Oh, ok, bless you good boy.) At ultimately, wala kang napuntahan.
Wala akong napuntahan. At ito ay ikailang ulit na.
Depungal, pitik pa rin sya ng pitik.
At iyon ang matapang na kwento ng bida ngayon. Kanina excited ako magsulat ng bagong blog post dahil matagal na yung huli at dahil ito ay isang hate shit. Yeah, ang sarap. Sobrang dami tuloy ng mga random na bagay na pumasok sa ulo ko kanina. Kaso nawala silang lahat ng biglang boom nagutom ako kaya kumain muna ako ng dinner, bumili ng extra rice ng libre, at binigyan ng extra ulam kasi ako raw ay friendly. Char! Ito pala ang pinakapaborito kong tula sa Pilipino.
daigdig
tula
ako