April 21, 2010

Magandang Gabi

2 comments
Noong bata ako gusto ko lahat pantay-pantay. Lahat fair. Kapag nahawakan ko ang right side ng isang bagay, kahit di sinasadya, dapat mahawakan ko rin ang left side. Kapag naman nasobrahan ko ang diin sa left, didiinan ko ulit ang right para maging pantay. At kapag nasobrahan pa ang dagdag na diin, juskupo! Noong tumanda pa ako ng kaunti, dumagdag pa ang top, bottom, front, at back. Mahirap, ngunit kailangan. Ginusto kong maging fair sa lahat ng bagay. Ito ay in preparation na rin sa aking pagiging superhero.



Marked World
Isang masterpiece na ginawa ni delajoker noong ikalawang taon nya sa Pisay Bikol. Para kay Lea at Marjen, na noon ay nasa kaliwa at kanan ng upuan ng '-ñ!Njã-'


Nagagandahan ako sa gabing ito. Ngunit wala kong magawa na may kongkretong resulta. Kaya eto, etre, epor, epayb. Dapat magsusulat ako ngayon para sa REKLAMOTION (all caps dapat!), pero sa dami ng isyu (at kalokohan na mas madami) na umiikot-ikot sa utak ko ay di ko maisip kung saan na magsisimula. Isipin mo na lang meron kang isang libong makukulit na batang pinsan na kailangang hulihin. At ang biblis nilang tumakbo, parang 220 volts. Sige nga, hulihin mo sila!

Naisipan kong mag-relaxe. Chill. Kuha headphones, play some music. Ang ganda ng gabi. Langhap ng usok. Yeah, babeh!

Ga-graduate na ang roommate ko. Nakapatong ang tatlong kopya ng naka-hardbound thesis nya sa kanyang higaan habang nagdo-DOTA sya sa mesa nya. Walang malay na extra sya sa post kong ito *evil smirk*. Nagdo-DOTA sya, nagta-type ako. Hindi naka-on ang fluorescent lamp sa di malamang kadahilanan.

Kinailangan pa ng superhero na i-Google para malaman kung tama ang spelling nya ng "florescent." Gusto nya pa lang iabot ang isang magandang balita sa mga kasama nya sa REKLAMOTION: Hindi na sinasabi ng Google na mali ang "reklamotion" at pinipilit ang "reclamation" bilang ang tamang spelling. Booyah!

Maliban sa pagpasok sa klase ng a las siete ng umaga dito sa Diliman ngayong summer (may Tagalog ba ang "summer?"), tumutulong rin pala ako sa kampanya ng Kabataan. Blog Action Day for Employment sa 28 ha. Kung may blog ka, sumali ka. Kung wala, may iba pang paraan. O kaya gumawa ka na ngayon. Hala bira!

Sige na, tama na at o-order pa ko ng footlong at ham+burger+egg sa Ate Vicky's Food Corner. Wait lang. Salamat pala kay Ate Vicky sa pagtulong sa kampanya ni Amme noong nakaraang student elections. Wait lang. Doon sa kampanya na iyon nagsimula ang inclination ko sa mga pulitikal na bagay. Wait lang. Bumisita ka rin sa REKLAMOTION ha!

Hoy, mag-comment ka! Maging patas ka!